Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP bantay sarado sa mga piyestahan

0 340

Inatasan na ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang lahat ng police commanders na bantayan ang mga barangay sa lahat ng bayan upang masigurong walang pagtitipong magaganap sa pagdaraos ng kapistahan.

Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng local government units (LGU) ang paghihigpit sa mass gathering lalo na ngayong Mayo kung saan ito ang buwan ng mga kapistahan sa mga probinsya.

“Alam naman natin na kapag piyesta, nariyan ang mga handaan, mga aktibidad sa simbahan at iba pang mass gatherings. Nakagawian na natin ito at bahagi ng tradisyon pero bawal pa rin po ito hangga’t narito ang banta ng COVID-19,” pahayag ni Eleazar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.