Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP binawi ‘case close’ kay Dacera

0 224

Matapos ideklarang case close tatlong lingo na ang nakaraan, binuksan ng Philippine National Police (PNP) ang muling imbestigasyon sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera

Hiniling ng PNP ang medical record ni Dacera mula sa Makati Medical Center para sa pangalawang imbestigasyon.

Gayunman, ayon sa source binigay na ng ospital sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kopya ng medical report ni Dacera.

Una nang sinabi ng NBI na ang ginawang forensic examination sa bangkay ni Dacera, at ang hospital record ang makapagbibigay linaw sa dahilan ng pagkamatay ng dalaga, na unang dineklara na dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Matatandaan na sinabi ni PNP chief Gen. Debold Sinas na ‘case close’ na ang kaso ng pagkamatay ni Dacera nang sampahan ng reklamong rape with homicide ang tatlong kasama ng dalaga sa City Garden Hotel kung saan sila nagdiwang ng New Year’s party bago siya natagpuang walang buhay noong Enero 1.

Gayunman inutos ng City Prosecutor ang pagpapalaya sa tatlong kasaham ni Dacera dahil sa kakulangan umano sa ebidensya.

Ayon pa sa source na pamilyar sa NBI investigation, mayroong gag order na pinatutupad sa media hanggang sa magkaroon ng kompletong resulta ng pagsusuri sa kaso.

“Masyado nang madaming theories on the death of Dacera, the NBI wants a complete and accurate report on the cause and the circumstances behind the incident,” sabi ng source.

Dagdag niya, “Masyado ng kawawa ‘yung victim and the surviving family, the least investigators can do is to get the truth and punished those who are guilty that leads to Kristine’s demise.” (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.