Abante Tonite Interactive

PNP blangko pa sa pinaslang na La Sallista

426

Patuloy pang nanga­ngalap ng datos ang pulisya kaugnay ng kasong panggagahasa at pagpatay sa 21-anyos na estudyante ng De La Salle Lipa City, Batangas.

Maging ang mga estudyante at guro ng nasabing eskuwelahan ay nagluluksa sa pagpaslang kay Fidex Therese Maranan, na ga-graduate na sana.

Ayon sa pamunuan ng kolehiyo, ang 21-anyos na BS Legal Management student na si Maranan ay nakatakdang umattend sa orientarion ng graduating­ batch nang matagpuan ang bangkay nito sa loob mismo ng kanyang bahay.

“Dapat kakain kami after orientation [pero] natapos na, hindi pa rin [siya] nagparamdam [kaya] nag-worry na kami,” ayon kay Aira Lingao, kaklase ng biktima.

Si Maranan ay isang ulila at namumuhay na mag-isa sa kanyang bahay matapos madestino ang kanyang dalawang tiyong pari na sina Msgr. Dimaculangan and Rev. Father Exequiel Dimaculangan na siyang tumatayong guardian nito.

Nanawagan at nagdarasal din ng agarang katarungan para sa biktima ang mga kaklase at mga guro ng eskuwelahan. (Ronilo Dagos)