Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP checkpoint hinigpitan vs Delta variant

0 118

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar lahat ng kapulisan na higpitan ang mga quarantine checkpoint sa mga border upang mapigilan at hindi na tuluyang kumalat pa ang mabagsik na Delta variant ng COVID-19.

Aniya, pinahihigpitan ng DOH ang pagpapatupad ng border control checkpoint para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant na ito sa bansa.

Binigyang diin ni Eleazar na hindi lang dapat mga pulis ang kailangang maghigpit kundi ang lahat ng mamayan ay mayroong papel na kailangang gampanan upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant.

Tiniyak ng PNP chief na makakaasa ang mga mamamayan na patuloy ang kanilang gagawing istriktong pagbabantay sa mga checkpoint, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na kaso ng COVID-19. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.