Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP chief kinasuhan sa pagtago ng ebidensya

0 241

Kinasuhan nina Atty. Glenn Chong at Jeanette Santillan si PNP chief police general Archie Gamboa ng grave misconduct at obstruction of criminal prosecution dahil sa umano’y pagtatago ng ebidensya sa kasong murder.

Sa 25-pahinang complaint na sinampa sa Office of the Ombudsman kahapon, inakusahan nina Chong at Santillan ang PNP chief ng pagtatago ng mga litrato sa pinangyarihan ng krimen na magsisilbi sanang ebidensya sa pagkamatay ng bodyguard ni Chong at asawa ni Jeannete na si Richard Santillan noong Disyembre 2018 sa Cainta, Rizal.

Ayon pa sa reklamo, sa kabila ng pagpapadala nila ng mga sulat sa mga police units mula Disyembre 2018 hanggang January 2019 para maka-access sa nasabing mga larawan at iba pang ebidensya ay binalewala sila ng Police Regional Officer 4A at PNP Headquarters.

Maging ang NBI, Public Attorney’s Office at CHR ay hindi umano binibigyan ng access ng PNP sa mga ebidensya at material records.

“Gamboa cannot feign ignorance of the urgency, relevance and materiality of the crime scene photographs requested by complainants,” saad pa sa nilabas nilang reklamo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.