Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP chief: Mga naka-motor na pulis ‘di exempted sa helmet

0 205

Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar sa mga pulis na nagmomotorsiklo nang walang suot na helmet.

Kasunod ito ng mga natatanggap niyang reklamo tungkol sa mga pulis na nahuhuling walang suot na helmet habang nagmomotorsiklo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mawawalan ng kredibilidad ang mga alagad ng batas kung sila mismo ay hindi sumusunod sa batas. Let this be a warning to all our personnel for them to observe the Motorcycle Helmet Law, dahil kung hindi, ako mismo ang didisiplina sa inyo,” saad ni Eleazar.

“Bakit natin aasahan na sumunod sa batas ang ating mga kababayan kung makikita nila na tayo mismo ang lumalabag? Paano natin makukuha ang respeto at mababawi ang tiwala’t kumpiyansa sa atin ng publiko kung mismong tayo, walang respeto sa ating uniporme?” patuloy niya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.