Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP chief pinatugis mga killer ng brodkaster

0 85

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Dionardo Carlos ang agarang pagbuo ng tracker team para tugisin ang mga suspek sa pagpatay sa dationg radio commentator at kandidato sana sa pagkakonsehal sa Tacurong, Sultan Kudarat, noong Enero 13.

Kinilala ang biktima na si Jaynard Angeles, 35, na malapitang binaril ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Carlos, nangyari ang pamamaril ilang araw lamang matapos na magsimula ang election period kung kaya’t kanilang tutumbukin kung may kaugnayan sa politika ang pagpatay sa biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naniniwala rin si Carlos na posibleng may kinalaman ito sa dating trabaho ng biktima kung saan maraming mga nakikinig sa kanya.

Naghahanap na mga CTTV sa lugar para matunton ang mga suspek gayundin ng mga nakasaksi sa krimen.

Nabatid na nagbitiw ang biktima sa kanyang trabaho sa isang himpilan ng radyo para tumakbo sa halalan sa Mayo 9. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.