Abante Tonite Interactive

PNP Chief sa retirees: Magreklamo kayo!

By
18

Magreklamo kayo kung hindi kayo makinig sa paliwanag.

Ito ang diretsahang pagpapasaring ni Philippine National Police chief Director General Ronald dela Rosa sa mga retiree ng PNP na nagrereklamo dahil hindi sila kabilang sa salary increase na ipatutupad sa susunod na taon.

Sinabi ni dela Rosa na maging siya ay hindi kasama sa taas-sahod dahil magreretiro na rin siya sa Enero 2018.

“Hindi rin nga ako kasama sa increase dahil magre-retire na ako sa January,  ang mga may ranggong Police Officer 1 (PO1) lang ang unang makatatanggap ng umento, dahil mababa talaga ang swledo nila,” paliwanag ni del Rosa.

“Hintayin niyo na lamang kayong mga retirees na maging presidente ako ng bansa, dahil gagawin kong ‘quadruple’ ang sweldo ng mga miyembro ng police force,” ang nakangiti pang pahayag ni Dela Rosa.

Kaugnay nito ay mariin ding itinanggi ni dela Rosa ang alegasyon na hinihinala ng mga retirees na nagsumite siya ng ‘position paper’ sa Malacanang na umaayon sa proposal na hindi isama sa increase ang mga retirees dahil kulang na sa pondo ang gobyerno.

“Dumedepende lamang ang PNP sa mga polisiya ng Palasyo, at sa ibibigay na budget ng Department of Budget ang Management,” paliwanag pa ng chief PNP.