Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP chief Sinas sapol ng COVID

0 237

Nagpositibo sa COVID-19 nitong Huwebes si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Debold Sinas.

Sa nakalap na impormasyon ng Abante Tonite, inanunsyo ni Sinas na nagpositibo siya sa COVID-19 sa isang sulat sa mga tauhan ng PNP.

“I would like to announce that I was declared positive in my last RT-PCR swab test this morning March 11, 2021,” ayon kay Sinas.

Sa kabila nito, sinabi ni Sinas na asymptomatic siya at nagtungo na sa Kiangan Treatment Facilities.

Pinayuhan niya ang mga taong nagkaroon ng direct contact sa kanya sa nakalipas na 24 oras para magpa-swab test.

Humingi naman siya ng paumanhin sa naging “relapse” sa pag-obserba sa mga mandatory health protocol.

“My apologies to all for my relapse in the observance of mandatory health protocols and I might have you expose to COVID-19,” sabi ni Sinas.

Itinalaga ni Sinas si Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang officer-in-charge habang nagpapagaling siya. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.