Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP chief walang werpa manibak

0 108

Nais ni Senador Ronald `Bato’ Dela Rosa na bigyan ng karagdagang kapangyarihan ang Philippine National Police (PNP) chief para disiplinahin ang mga pasaway sa hanay ng kapulisan.

Sabi ni Dela Rosa, dating PNP chief bago naging senador, walang kapangyarihan ang pinuno ng pambansang pulisya para ipakulong ang mga pasaway na pulis kahit wala pang pormal na kasong naisasampa.

Kaya nais ni Dela Rosa na amyendahan ang Republic Act No. 8551 o Philippine National Police Reform and Reorganization Act of 1998.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi aniya katulad sa Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan puwedeng ikulong ng kanyang commander ang isang nagkasalang sundalo.

“Hanapin ko `yong provisions diyan na naglalagay sa Chief PNP sa inutil na sitwasyon. I-compare mo `yong PNP sa AFP, ibang-iba `yong kanilang disciplinary mechanism dahil sa sundalo, ‘pag military, nagkakasala ang sundalo, puwedeng ikulong agad `yan ng kaniyang commander,” paliwanag ni Dela Rosa sa panayam sa telebisyon nitong Miyerkoles.

Sabi ni Dela Rosa, ito ang dahilan kaya may mga pulis na hindi masibak habang dinidinig pa ang kasong isinampa laban sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.