Abante Tonite Interactive

PNP cyber patroller tutok sa fake news

322

Patuloy ang pagmomonitor ng mga cyber patroller ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa mga social media platform.

Ito ang pinahayag ni PNP Deputy Chief for Operations Major General Guillermo Eleazar na siya ring commander ng Joint Taskforce COVID Shield sa panayam sa radyo.

Kasabay nito, nanawagan sa publiko si Eleazar na huwag pagamit sa iba na nagkakalat ng fake news na ang layunin ay siraan lamang ang gobyerno.

Sinabi nito na may mga minomonitor na sila at patuloy pa ang pagtutok sa social media para mahuli ang mga nagpapakalat ng fake news.

May mga cyber investigator umano silang nakakalat para tumulong sa pagmomonitor sa mga nagkakalat ng fake news. (Riz Dominguez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad