Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP demolisyon sa Cavite madugo, 35 sugatan

0 52

Mistulang giyera ang naganap na demolisyon sa Maragondon, Cavite nitong Huwebes sa pagitan ng mga residente, awtoridad at demolition team nang isagawa ang pagpapalayas sa nauna.

Sa pinakabagong ulat ng Maragondon Police Station, 35 katao ang nasugatan sa insidente sa Brgy. Patungan, kabilang ang ground commander na si P/Capt. Jerry Flores, Chief of Police ng Maragondon, 15 pa sa hanay ng kapulisan, at 12 sa demolition team.

Habang pito ang napinsalang sibilyan, kabilang ang tatlo na nabaril ng mga pulis at mga private guard.

Nag-ugat ang demolisyon sa Writ of Demolition order ng Naic Regional Trial Court kung saan tinatayang humigit-kumulang 214 pamilya ang apektado.

Ang nasabing lupain ay nakapangalan sa MTV Investment Properties Holding Corporation, dating MTV Realty Corporation.

Nabatid na nagsagawa na noon ng demolisyon sa lugar pero nabigo ito sa pagtuligsa ng mga residente.

Saad ng Bagong Alyansang Makabayan-Cavite, matagal nang pilit pinapalayas ang mga residente matapos angkinin ng nagngangalang Maria Theresa Virata na may-ari ng MTV Realty Corp na siya namang nagbenta ng lupain sa isang kilalang negosyante.

Samantala, kinondena ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang insidente.

“Labing dalawang beses nagpaputok ang mga armado sa mamamayan. Mawawalan ng tahanan ang mga mangingisda at magsasaka sa ginagawang demolisyon,” aniya pa. (Gene Adsuara/Kiko Cueto/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.