Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP general nabaril sarili sa firing range

0 232

Malubhang nasugatan ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos na maputukan ang hita nang isuksok niya sa holster ang kanyang baril sa firing range sa Quezon City, Linggo.

Ang biktima ay nakilalang si P/MGen. Rolando J. Hinanay, 55-anyos, hepe ng Directorate for Personnel and Records Management sa Camp Crame, at residente ng MOQ 12B, Alfredo St., Camp Crame, QC.

Sa report kay QCPD Director P/BGen. Antonio Yarra, bandang alas-2:35 kamakalawa ng hapon naganap ang insidente sa Second Bay, QCPD Firing Range sa Camp Karingal, Sikatuna Village sa lungsod.

Bandang alas-10:45 ng umaga ay dumating umano ang heneral kasama ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa firing range bilang bahagi ng selebrasyon sa kaarawan ng anak na si Gabriel Hinanay.

SM food to go Banner Ad

Dahil sa wala naman umanong nilalabag sa ipinatutupad na minimum public health protocols ay pinayagan ang pamilya at mga kaibigan ni Hinanay na gamitin ang firing range.

Inasistehan umano ng range assistant na si Ronel Alcones si Hinanay habang hawak nito ang sariling baril na Glock 9MM Gen. 5 nang bumaril sa target boards.

Pero nang mabilis na isinuksok ng heneral sa kanyang holster ang baril ay pumutok ito at tinamaan ang kanyang kanang hita.

Agad isinugod ang PNP official sa Saint Luke’s Medical Center upang bigyan ng paunang lunas. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.