Abante Tonite Interactive

PNP hihirit ng refund sa palyadong Mahindra

By ,
1,168

Ikinokonsidera ng Phi­lippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso kaugnay sa mga hindi pa ibi­nibigay na sasakyan at sa palpak na post-sale servic­e ng mga patrol car na binili ng gob­yerno sa multinational car manufacturing company na nakabase sa India, sa halagang P1.893 bilyon noong 2015.

Sa isang press conference nitong Martes, binigyang-diin ni PNP spokesperson Senior Supt. Benigno Durano Jr. na ang Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) ang tumayong officer-in-charge sa pagbili ng 2,000 India-made Mahindra police trucks.

“The lapses did not come from the Phi­lippine National Police,” diin ni Durano matapos sitahin ng Commission on Audit (COA) ang mga depektibong patrol car
Binanggit pa ni Durano na igigiit nila ang pag-deliver sa lahat ng biniling mga ‘combat and mobility asset’ para sa PNP at kung hindi ito maibibigay sa kanila ay mapipilitan silang humirit ng refund.

Dahil sa kapalpakan ng Columbia Motors, dis­tributor ng Kia at BMW, na ang nagmamay-ari ay si Palawan Gov. Jose ‘Pepito’ Alvarez, posibleng ma­patawan ito ng parusa sa partisipasyon nito sa mga kontrata sa gobyerno sa hinaharap.

“We will comply with the COA recommendations, truth to tell we are very much (parti­cipating) in the preparation of that report including to demand immediate delivery of mobility and combat assets and at the same time have our legal team review the bid documents and study the option of getting a refund in case it will not be given to us. Or probably, if the fund were not obligated based on the intelligence that the money be returned to the national treasury,” paliwanag ni Durano.

Sa ngayon ay wala pa umanong desisyon kung ititigil na ng PNP ang paggamit sa Mahindra Scorpions, isang 2.5 liter diesel police car. Tinatayang 200 police vehicle ang hindi na magamit matapos ma­bigo ang Columbia Motors na magbigay ng piyesa at service support sa mga depektibong sa­sakyan ng Mahindra.