Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP hinamon ikulong mga pasaway na mayaman

0 254

Kinontra ni Senadora Risa Hontiveros ang panukalang ipakalat muna ang mga military at pulis para arestuhin ang mga indibidwal na lumalabag sa health protocol sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

“Ano ito, throwback sa 2020? Hindi ba tayo natututo na hindi gumagana o nakakatulong ang mass arrest? Magsisiksikan lang ang mga tao sa mga kulungan. Lalo lang magkakahawahan,” sabi ni Hontiveros.

Sa panahon umano ng pinamakamahabang lockdown, mahigit 76,000 indibidwal ang inaresto sa paglabag sa health protocol mula Marso 2020 hanggang Hulyo 2020 subalit hindi naman bumaba ang kaso ng COVID-19.

SM food to go Banner Ad

Kinuwestyon pa ng senador ang Philippine National Police (PNP) kung bakit puro mahihirap lang at wala pang napapakulong na mayaman na pasaway sa COVID protocol.

“Ang mahihirap lang ang kaya nilang pagtripan. Kailan pa nilagay ang mayayaman sa detention center o sa dog cage dahil sa mass gatherings o parties nila? There is a way to enforce stricter health protocols humanely and non-violently. 2021 na. Let’s do this the right way,” ani Hontiveros.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.