Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP hugas-kamay sa abogado ng mga `terorista’

0 226

Kasunod ng pagsibak sa hepe ng intelligence chief ng Calbayog City Police sa Samar matapos humirit sa korte na mabigyan ng listahan ng mga abogado na nagtatanggol sa mga kinikilalang may kinalaman sa rebeldeng komunista, ipinasisilip na rin ng Philippine National Police (PNP), kung ganito ba ang kalakaran o ginagawa rin ito sa ibang bahagi ng bansa.

“We are currently checking if there were similar actions in other areas. At the same time, we are investigating to determine up to what level of police hierarchy is involved in this incident,” sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Nilinaw din ni Eleazar na walang ganitong klaseng kautusan sa hanay ng mga pulis at intelligence officer ng PNP.

Tinawag nila itong “unprofessional method” ng “information-gathering.”

Nauna nang sinibak ni Eleazar si Lt. Fernando Calabria nang kumalat ang larawan ng kanyang liham sa korte para sa pagbuo ng “comprehensive report” sa communist insurgency situation sa kanyang lugar.

Humingi naman ng paumanhin si Eleazar sa ginawa ni Calabria at binigyang-diin na hindi kailanman magiging polisiya ng PNP na tugisin ang mga abogado at mga miyembro ng hudikatura na nagtatrabaho lamang base sa sinumpaan nilang tungkulin. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.