Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP ikakalat mga anti-vote buying team

0 48

Inanunsiyo kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na bubuo ang Philippine National Police (PNP) ng mga grupo na tutugon sa mga insidente ng vote buying kaugnay nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Malaya, isang memorandum ang nakatakdang ipalabas upang pakilusin ang mga anti-vote buying team sa mga lungsod at congressional district.

Aniya, ang mga naturang team ang maaaring lapitan at tawagan ng mga taong may reklamo hinggil sa pamimili ng boto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“So that when there are complaints from people, meron po silang tatawagan. May tatawagan ‘`yong ating mga kababayan na special team na siyang aaksyon doon sa mga reklamo on vote buying,” ani Malaya.

Sa mga nakalipas na halalan aniya marami silang natatanggap na reklamo ngunit ipinaparating lamang nila ang mga ito sa Commission on Elections at hindi naman nila nalalaman kung naaksiyunan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.