Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP inaalam mga pulis na may kandidatong kaanak

0 68

Gustong malaman ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang eksaktong numero ng mga pulis na mayroong mga kaanak na tatakbo sa May 2022 election partikular iyong mga nasa local level.

Ayon kay Eleazar, ito ay upang masiguro na ang miyembro ng kapulisan ay hindi sasawsaw sa partisan politics.

SM food to go Banner Ad

“The purpose is to possibly re-assign them eventually in other areas outside the ci¬ties, municipalities and provinces where relatives of our personnel would seek elective posts,” dagdag nito.

Paliwanag ni Eleazar, base ng mga nakaraang eleksiyon ay may mga reklamo at ulat na natanggap ang PNP na mayroong mga pulis na kinakampanya ang mga tumatakbong kaanak at nakikialam sa halalan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.