Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP inalerto kontra terorismo

0 80

Inatasan ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar ang lahat ng hepe ng pulisya at mga unit commanders na maging alaerto at palakasin ang kanilang defense plan laban sa pag-atake ng mga threat groups.

Ang kautusan ay ginawa ni Eleazar matapos ang pag-ambush ng mga armadong grupo sa sasakyan ng isang pulis sa Indanan, Sulu na ikinasugat ng isang pulis nitong Biyernes ng gabi.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa ulat na nakarating kay Eleazar, lulan ng patrol car ang mga pulis pabalik sana sa kanilang istasyon sa Maimbung Municipal Police Station nang tambangan sila ng mga armadong suspek.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon upang malaman kung anong grupo ang mga suspek na tumambang sa mga pulis. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.