Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP irerespeto mga `di bakunado

0 174

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na paiiralin nila ang respeto sa sinomang hindi pa bakunado na lalabag sa pinaiiral na ordinansa ng bawat local government unit (LGU) para sa pagpapatupad ng health protocol laban sa COVID-19.

Ayon kay PNP chief General Dionardo Carlos, ipatutupad nila ang maximum tolerance at walang matatapakan na karapatang pantao sa gagawing paghihigpit sa pagkilos ng mga hindi pa bakunadong indibiduwal sa Metro Manila.

SM food to go Banner Ad

Kasunod ito ng resolusyon na inaprubahan ng Metro Manila Council kung saan hinigpitan sa paglabas ng bahay ang mga wala pang bakuna laban sa COVID at hindi papayagang makapasok sa mga establisimiyento katulad ng mall maliban na lamang kung “essential” ang kanilang paglabas.

Sabi ni Carlos, idadaan ng kapulisan sa maayos na usapan ang kanilang gagawing pagbabantay sa mga wala pang bakuna dahil tiyak na may malalim umanong dahilan ang mga ito kung bakit ayaw paturok na posibleng para na rin sa kanilang kalusugan.(Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.