Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP istrikto pa rin kahit alert level 3 na

0 98

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa lahat ng kapulisan sa National Capital Region (NCR) na manatiling naka-alerto at mahigpit na ipatupad ang mga minimum public health protocol kabasay ng pagbaba sa alert level 3 sa Metro Manila simula kahapon.

Sinabi ni Eleazar na patuloy ang banta ng COVID-19 at posibleng dumami ulit ang mga kaso kung hindi magiging maingat sa mga health protocol.

“Sa pag-uumpisa ng implementasyon ng alert level 3 sa Metro Manila, inatasan ko na ang ating mga unit commanders sa Kalakhang Maynila na maging alerto at aktibo sa pagpapatupad ng minimum public health safety dahil baka maging kampante ang ating mga kababayan sa pagluwag ng patakaran na mauwi lamang sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID sa ating bansa,” sabi ni Eleazar.

Aniya, ipakakalat ang mga pulis sa mga pampublikong lugar at establisimiyento na pinayagang muling magbukas.

“Kasabay nito ang aking direktiba sa ating mga kapulisan sa Metro Manila na makipag-ugnayan hindi lamang sa mga LGU kundi pati sa mga may-ari ng mga business establishment at iba pang mga lugar na maaaring dagsain ng ating mga kababayan. Inaasahan ko rin ang karagdagang mga pulis na magpapatrolya sa mga lugar na ito,” pahayag pa ni Eleazar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.