Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP kinalampag sa inambus na mental hospital boss

0 338

Kinalampag ng Commission on Human Rights (CHR) ang Philippine National Police ( PNP) para sa mabilis na imbestigasyon at pagkakakilanlan sa tumambang sa hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) na si Roland Cortez at sa driver nito sa Tandang Sora, Quezon City noong Lunes.

Ayon sa CHR magsasagawa rin sila ng isang independent investigation para mapanagot ang salarin o responsable sa krimen.

“We call for justice for the slain public servant and extend our deepest sympathies to the family and loved ones of Dr. Cortez and his driver,” panawagan ng CHR.

Kaugnay nito, hinimok rin ng CHR ang gobyerno na patuloy na imbestigasyon ang umanoy iregularidad sa NCMH habang iniimbestigahan ang kaso.

“In this time of a global health crisis, unethical and corrupt practices in public health institutions undermine people’s access to healthcare, especially the most marginalized and disadvantaged,” saad pa ng CHR. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.