Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP: Krimen bumaba ng 68%

0 474

BUMABA ang tinatawag na index crime ng bansa ng 68% sapol nang maupo bilang pangulo si Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police chief General Guillermo Lorenzo Eleazar.

“Itong 64 months na ito, mula noong July 2016 until October of 2021, ang barometer ng peace and order na index crime ay bumaba ng 68% — dati ang sinasabi ko 64% — compared doon sa 64 months noong mga nakaraang administrasyon,” sinabi ni Eleazar sa Laging Handa briefing.

Pinaliwanag pa ni Eleazar na ang crimes against persons ay bumaba ng 65% habang ang while crimes against property ay bumaba dumausdos sa 70%.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Comparison-wise nag-i-improve tayo, pero siyempre itong mga kaganapang ito ay talagang hindi pa rin katanggap-tanggap,” sabi nito.

Ang crime solution efficiency naman sa nagdaang limang taon ay nasa 49%, o isa sa dalawang krimen.

Mas mataas umano ito sa 26% sa nagdaang administrasyon na isa sa bawat apat na krimen lang ang nareresolba. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.