Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP: Lampas 1K pulis na may COVID, ‘asymptomatic’

0 178

Sinabi ng Philippine National Police (PNP) na karamihan ng miyembro nila na tinamaan ng COVID-19 ay asymptomatic o iyong walang sintomas ng sakit.

As of Thursday nakapag-record ng 1,162 na pulis na walang anumang sintomas ng virus kahit nagpositibo sa disease.

Ani PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, 336 na pulis ang nakaranas ng mild symptoms habang anim ang may malalang sintomas.

“Aside from confirmed cases, isinama sa bilang ‘yung nasa ilang probable and suspect cases pero wala pang results or scheduled to undergo pa lang ng test,” wika ni Banac sa Philippine News Agency.

Sa ngayon (July 16), umabot na sa 1,335 ang COVID case sa PNP matapos panibagong 37 ang magpositibo, 565 ang nakarekober habang nanatili sa siyam ang death toll. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.