Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP luluwagan mga motorista sa MECQ

0 436

Magluluwag na ang Philippine National Police (PNP) sa galaw ng mga motorista sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite na isinailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na asahan na gagaan ang daloy ng trapiko sa mga checkpoint.

“`Yong tinuturing nating pagluwag, maaaring hindi na po sila makakaramdam ng, well, katulad ng areas na nag-cause ng mahabang traffic,” sabi ni Usana.

Matatandaang sa unang araw ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus noong Marso 29 ay bumigat ang trapiko sa mga checkpoint dahil hinihingan ng ID, certificate of employment at iba pang dokumento ang mga motorista bilang patunay na sila ay authorized persons outside residence (APOR). (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.