Abante Tonite Interactive

PNP may 2 ‘person of interest’ sa Fr. Nilo killing

By
2,842

May dalawang ‘person of interest’ ang Phi­lippine National Police (PNP) sa pagpatay kay Father Richmond Nilo noong Linggo habang nagmimisa sa loob ng kapilya sa Brgy. Mayamot, Zaragosa, Nueva Ecija.

Iniulat mismo ni PNP Region 3 Regional Director C/Supt. Amador Corpuz kay PNP Chief PDG Oscar Albayalde ang impormasyon matapos siyang atasan kahapon ng huli na bumuo ng Special Investigation Task Group para sa mabilis na paglutas sa kaso ng napatay na pari.

Nagtungo si Alba­yalde sa Zaragosa Police Station matapos na dumalo sa Independence Day celebration sa Kawit, Cavite para kumuha ng update sa imbestigasyon.

Iprinesenta mismo ni Corpuz sa PNP chief ang closed circuit television (CCTV) camera footage na nakuha mula sa bara­ngay hall malapit sa kapil­ya kung saan nagmimisa si Fr. Nilo sa panahon na naganap ang krimen.

Target na ngayon ng PNP sa kanilang manhunt operation ang dalawang itinuturing na persons of interest.