Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP may bagong spokesperson

0 201

Itinalaga kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief General Debold Sinas si Brig. General Ronaldo Olay bilang bagong tagapagsalita ng kapulisan.

Papalitan ni Olay, miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1990, si Brig. Gen. Ildebrandi Usana na nakatakdang magretiro sa serbisyo sa Abril 20 sa kanyang ika-56-anyos.

Si Olay ay huling nakatalaga bilang PNP deputy director for operations at National Capital Region Police Office deputy director for administration.

Saglit din nitong pinamunuan ang PNP Health Service at deputy director for comptrollership nitong 2020. Naging Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office mula 2014 hanggang 2016, Director ng Batangas Provincial Mobile Force Battalion at Criminal Investigation and Detection Group ng Eastern Police District, at deputy chief ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Division. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.