Abante Tonite Interactive

PNP may CR para sa LGBTQ

378

Nagtayo ng gender-sensitive restroom ang Human Rights Affairs Office ng Philippine National Police sa Camp Crame nang i-renovate ito ngayong taon at nagagamit na ng publiko.

Ayon kay PNP-HRAO Chief Brig.General Dennis Siervo, maha­laga ang pagkakaroon ng ganitong uri ng palikuran upang maiwasan ang diskriminasyon at hindi mailang ang LGBTQ community sa pampublikong palikuran.

Tatlong uri ang comfort room sa kanilang opisina: Isang panlala­ki, isang pambabae, at isang para sa lahat ng uri ng kasarian.

Dahil dito, hinimok ng PNP ang ilang establisimyento na gumawa ng gender equality CR para sa lesbian, gay, bisexual and transgender (LGBT) na katulad nang kanilang ginawa.

Ito ay upang mapanindigan ang gender equality at maiwasan ang sexual discrimination sa mga pampublikong lugar.

Ang nasabing panukala ay sinabi ni Brig Gen. Siervo matapos ang naganap na komprontasyon sa pagitan ng janitress ng Farmers Plaza at ng transgender na si Gretchen Custodio Diez. (Edwin Balasa)