Abante Tonite Interactive

PNP may ‘persons of interest’ sa pagpatay sa Cebu mayor

By
334

May mga ‘person of interest’ na umano ang pulisya hinggil sa kaso ng pagpatay kay Ronda, Cebu Mayor Mariano Blanco III, ayon sa Special Investigation Task Group (SITG) na siyang tumututok sa insidente.

Ayon kay Cebu Provincial Police Office (CPPO) Director Manuel Javier Abrugena, na siya ring SITG commander, may ilang katao na umano silang iniim­bestigahan hinggil sa pagpatay sa alkalde.

Sa ngayon ay sadyang hindi muna pinangalanan ni Abrugena at kung ilang katao ang mga sinasabi niyang ‘person of interest’ subalit patuloy ang ginagawa nilang background check at profiling sa mga ito.

Abante Hiring – IT dep

Bukod dito, tatlong anggulo umano ang tinututukan ng pulisya na siyang motibo ng pamamaslang. Una ay ang pagpangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pinaslang na alkalde na isa sa mga narco-politician sa Cebu, pangalawa ay ang pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Ronda Vice Mayor John Ungab noong Pebrero, habang ang pa­ngatlo ay may kinalaman sa politika na hindi naman ipinaliwanag ng pulisya.

Matatandaang pinatay si Blanco III pasado ala-una nang madaling-araw noong Setyembre 5 sa loob ng kanyang opisina sa munisipyo ng Ronda matapos na pasukin ito ng apat na armadong lalaki at pagbabarilin.

Ang pagkakapaslang ang na­ging dahilan nang pagkakasibak ng hepe ng Ronda police at 12 nitong tauhan.