Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP: Mga pasaway sa pandemya, nabawasan

0 157

Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagbaba ng bilang ng mga pasaway sa health protocol kontra COVID-19 nang simulant ang general community quarantine (GCQ) sa buong NCR Plus.

Inanunsiyo ni Eleazar sa Laging Handa public briefing nitong Sabado na bumaba ng 19% ang bilang ng mga lumabag sa health protocol ngayon linggo kumpara sa nagdaang linggo.

“`Yong GCQ with heightened restrictions, ito [ay ipinatupad] lang nu’ng nakaraang mga araw. Pero last week natin e 51,000 ang ating violators compared with the previous week of 63,000,” pahayag ni Eleazar.

Ikinatuwa ito ni Eleazar dahil nakikita aniya na sumusunod ang mga tao sa health protocol. (Mark Joven Delantar/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.