Abante Tonite Interactive

PNP nag-ambagan ng P10 para sa mga biktima ng Taal

0 360

Isa ang Philippine National Police (PNP) sa rumesponde sa pagsabog ng bulkang Taal noong Linggo, Enero 12.

Sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na hinikayat niya ang mga pulis na magbigay ng P10 voluntary contribution para makakolekta sila ng pondo na magagamit sa mga Pilipino na inilikas dahil sa pagputok ng bulkan.

“I am asking the members of Philippine National Police for a P10 voluntary contribution, so we can generate funds to help, especially those Filipinos who are displaced by this disaster,” pahayag niya.

Sakaling makakalap na sila ng pondo, magtatanong sila sa CALABARZON PNP kung ano ang mga kailangan ng mga biktima at ito ang ide-deliver nila.

Noong nakaraang taon ay nagsagawa na raw sila ng voluntary contributions para naman sa mga biktima ng lindol sa Mindanao kung saan umabot sa P3 milyon ang kanilang nakolekta.