Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP naghigpit sa interview

0 90

Hindi na basta-basta ang pagpapaunlak ng panayam ng Philippine National Police (PNP) sa media.

Batay sa nilabas na advisory ng Public Information Office (PIO) ng PNP, kailangan na magpadala muna sa kanila ng request letter ang sinumang nais mag-interview sa radio, telebisyon, Zoom at ibang platform.

Dagdag pa dito, dapat ay mabigay ang liham dalawang araw bago ang petsa ng panayam, at kung sakaling may kasabay sa schedule ay ipa-prioritize ang nauna at mauusog ang panayam ng iba.

SM food to go Banner Ad

Saad ng PNP-PIO, ang bagong standard operating procedure ay dahil sa dumaraming gawain ng kanilang opisina.

“Please allow Team PIO sufficient lead time to prepare and be up to date with relevant data needed to be share dby the PNP spokesperson in his interview with media,” ayon sa advisory.

Matatandaan na nauna nang maglatag ng naturang paraan ang Department of Health para sa media. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.