Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP nalagasan ng 82 tauhan sa COVID

0 93

Isa pang pulis ang nasawi habang nasa 156 iba pa ang nadagdag sa panibagong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) dahilan para umakyat sa 30,156 ang mga tinamaan ng virus.

Ayon kay PNP chief General Guillermo Eleazar, ang panibagong casualty sa hanay ng kapulisan ay isang 40-anyos na pulis staff seargent na nakadestino sa Camp Crame.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Base sa ulat na PNP Health Service na ipinadala kay Eleazar, Hulyo 11 ng magpositibo ang nasabing pulis sa COVID-19 pero Hulyo 24 ng isugod ito sa pinakamalapit na pagamutan dahil sa hirap sa paghinga, subalit nitong Hulyo 27 ay pumanaw ito dahil sa Acute Respiratory Failure at Pneumonia.

Ang pulis ang ika-82 nasawi sa hanay ng PNP sa pakikipaglaban sa COVID-19. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.