Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP, NBI kinalampag sa tinumbang brodkaster

0 90

Umapela ang grupo ng media sa Northern Mindanao sa mga awtoridad para magsagawa ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa pamamaslang sa isang blocktime radio broadcaster sa Davao City.

Sa isang pahayag, hiniling ng Cagayan de Oro Press Club sa Philippine National Police (PNP) at sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng sanib-puwersang imbestigasyon para matukoy at maaresto ang may kagagawan ng pagpaslang sa biktimang si Federico `Deng’ Gempesaw, 62-anyos.

Binaril si Gempesaw, ng isa sa riding in tandem habang nasa kanilang bahay sa Sitio Macanhan, Barangay Carmen noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon kay COPC president Frank Mendez, maaaring magpatuloy ang mga ganitong krimen laban sa media kapag hindi nalutas ang pamamaslang kay Gempesaw.

Nabatid na naging blocktime radio commentator si Gempesaw matapos manungkulan bilang opisyal ng city hall sa pamumuno ng dating alkalde na si Vicente Emano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.