Abante Tonite Interactive

PNP pabor sa bodycam

109

Kumbinsido ang Philippine National Police (PNP) na mas maraming advantage o bentahe ang pagkakaroon ng body camera ng mga operatiba sa tuwing sasabak sa anti-illegal drug operations.

Ito ang sinabi ni PNP spokesperson Police Brig Gen. Bernard Banac matapos sabihin ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tutol siya na kailangan sa lahat ng oras ang paggamit ng mga body camera sa tuwing maglulunsad ng anti-illegal drug o­perations.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Banac na makakatulong ang mga body camera upang mas lalo pang maging transparent ang kanilang mga ikakasang operasyon.

Maliban dito ay sinabi rin ng opis­yal na sa pamamagitan din ng gamit na ito ay ng publiko kung gaano kadelikado ang pinagdadaanan ng operating team sa tuwing magkakasa ng operasyon.

Higit sa lahat ay makatutulong din aniya ito upang maiwasan naman ang pagmamalabis mula sa kanilang hanay. (Edwin Balasa)