Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP, Pagcor susuyurin e-sabong

0 56

Mkikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) upang masiguro na tigil ang operasyon ng electronic sabong (e-sabong) sa bansa matapos ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipahinto ang operasyon nito.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo, makikipag­pulong sila sa Pagcor upang masiguro ang utos ng Pangulo sa pagpapahinto nito.

“We will be coordinating with the Pagcor since sila ‘yung regula­ting agency pertaining to the operation of E-Sabong. We will wait for the official communication kung paano po ba natin isasagawa ‘yung pag-iinspect at pagmomonitor kung meron pa pong mga existing na mga e-sabong operation particularly those e-sabong betting stations para hindi magkaroon ng kaguluhan sa pag-i-implement ng utos ng ating Presidente,” pahayag ni Fajardo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hihingi din ng tulong ang PNP sa Local Government Units (LGU’s) hanggang sa mga barangay upang tuluyan ng matigil ang operasyon ng e-sabong.

Samantala sinabi ni Charlie ‘Atong’ Ang,pangulo ng Pitmaster Live na isa sa mga kompanya na may pa­larong e-sabong na susunod ito sa utos ng Pangulo.

“Nagsalita na ang pangulo (Rodrigo Duterte), kaya susunod kami sa utos niya,” ani Ang.

Nangako naman si Ang na kapag muling binuksan ang e-sabong ay naayos na nila ang mga nasabing problema. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.