Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP, PDEA kabado sa drug war record – DOJ

0 376

Inamin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na nahihirapan sila sa pagrerepaso ng mga isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga awtoridad.

Sinabi ni Guevarra na malaking hamon ito sa kanila dahil ayaw makipagtulungan ng mga law enforcement agency sa pangamba na sa bandang huli ay makasama sila sa mga kakasuhan.

“We’re having difficulty, honestly, because we cannot get the full cooperation of law enforcement agencies,” ani Guevarra.

Ayon kay Guevarra, nagpahayag ng pagkabahala ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagbabahagi ng mga impormasyon sa kanilang mga anti-illegal drugs operations dahil sa posibleng pananagutan sa ilalim ng Data Privacy Act.

Noong nakalipas na linggo ay pumayag ang PNP na buksan ang 61 kaso na may kinalaman sa giyera kontra droga kung saan ang kanilang Internal Affairs Service ay nakakita na may pananagutan ang mga sangkot na pulis. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.