Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP, PDEA McDo ratratan swak sa murder, homicide

0 495

Tinitingnan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paghahain ng kasong murder and homicide laban sa mga direktang sangkot sa pagkamatay ng apat na katao sa nangyaring shootout ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD).

Inanunsyo ni Justice­ Secretary Menardo Guevarra noong nakaraang linggo, na natapos na ng NBI ang kanilang imbestigasyon.

“Murder and homicide charges will be filed against several policemen and PDEA agents linked to the shooting incident,” ayon sa insider.

Dagdag pa ng source, may hiwalay pang kaso ang ihahain laban sa mga pulis na diumano’y nambugbog sa mga PDEA agent na rumesponde sa crime scene.

Ayon pa sa source, maliban sa confirmatory investigation sa walong cellphone na nakuha sa mga operati­ba na sangkot sa shootout, lahat ng ebidensiya at mga statement ay pawang naanalisa na.

“Ballistics and sworn statements from the participants of the shootout were already in and has been exa­mined,” sabi pa ng insider.

Matatandaang kapwa giniit ng PDEA at QCPD na lehitimong anti-illegal drugs operation ang kanilang ginawa noong Pebrero 24 na nagresulta sa palitan ng putok sa labas ng branch ng McDonald’s sa Commonwealth Avenue, Quezon City. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.