Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP personnel isasabak sa contact tracing

0 169

Hindi na magha-hire ang gobyerno ng contact tracers sa halip ay gagamitin ang personnel ng Philippine National Police (PNP) para sila ang tumugaygay sa mga posibleng mayroong kontaminasyon ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagawin nila ang ginawa ni Baguio City Mayor at tracing czar Benjamin Magalong na paggamit sa mga pulis sa pagtunton sa mga nakasalamuha ng mga COVID positive sa Baguio City.

Pumayag na aniya ang pamunuan ng PNP at nasa proseso na ng pagsasanay ang mga pulis para maging contact tracers.

“The PNP leadership has significant their conforme to this and they are in process of training now the police officers that will act as contact tracers,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.