Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP sanib-puwersa sa DOJ vs EJK

0 210

Seryoso umano ang Philippine National Police (PNP) sa partnership nila sa Department of Justice (DOJ) para sa kanilang gagawing imbestigasyon sa sinasabing extrajudicial killings (EJK) sa war on drugs ng gobyernong Duterte.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP at DOJ ay nakatakdang pumirma ng kasunduan para sa pakikipagtulungan ng pulisya sa isasagawang imbestigasyon ng huli sa EJK sa laban kontra iligal na droga.

Napag-usapan sa pulong nina Eleazar at DOJ Sec. Menardo Guevarra noong Mayo 21, ang naturang pagsisiyasat.

“I assure our good Justice secretary that the PNP has no tolerance for rogues, including those who may have committed unjustified killings in the course of anti-illegal drug operations, and that we are serious in cleansing our ranks,” ani Eleazar. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.