Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP sinamsam mga placard sa Quiapo Church

0 490

Kinuyog sa batikos ng mga netizen ang Philippine National Police (PNP) dahil sa Twitter post hinggil sa dalawang pulis na nakuhanan ng litrato at video habang sinasamsam ang mga placard ng isang babaeng tahimik na dumalo sa misa na ginanap sa loob ng Quiapo Church sa Maynila.

“Sa loob ng simbahan, sa gitna ng misa, pilit na kunin ng mga barubal na pulis na ito ang gamit ng isang nananahimik na nanalangin. Bastusang martial law na nga,” tweet ng artist/producer na si Bart Guingona.

“This happened in front of us, while in a solemn mass. Walang ginagawang masama si Ate Blenda, walang nilabag na batas at payapang nakikimisa,” sabi naman ng Twitter user din na si Gibby Gorres.

Nabatid na nangyari ang insidente sa naturang simbahan dahil may post si Bart Guingona na “Atm. Quiapo Church. SONA resistance mass.”

Kaagad na umani ng mga negatibong reaksyon mula sa mga netizen ang insidente sa loob ng simbahan.

@WThinking26: “Police nowadays are very dangerous. The least person I could trust, worst than terrorist.”

“@fitness_asian: “So eto na ba yong patikim ng Anti-Terror Bill?

Promise nakakatakot”.

Kinuwestyon naman ng ibang netizen ang paglabag sa separation of church and state na itinakda sa Saligang Batas.

@_thebaozi: “Now, where’s the so called separation of Church and Government??? Where??”

@mta_PH: “Why would policemen enter a church during Mass and forcibly take things from a Mass-goer?! Is this still the #Philippines?!”

@paminionella: “Men in uniform scared of placards? Aw.”

Nabatid naman na tinangka umano ng ilang dumalo sa misa na magsagawa ng kilos protesta matapos bitbitin ang mga placard sa loob ng simbahan subalit kinumpiska ito ng mga nagbabantay na pulis.

Sumentro ang misa sa COVID-19 pandemic at sa State of the Nation Address (SONA) kung saan binasa ni Quiapo Church rector Msgr. Hernando Coronel ang homily ni Bishop Broderick Pabillo, ang apostolic administrator at auxiliary bishop ng Archdiocese of Manila, na may temang “Mass for Justice and Peace”.

Nag-self quarantine si Pabillo matapos magpositibo sa COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.