Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP sinita ng COA sa P700M anti-NPA pondo

0 37

Lumabas sa isang audit report na gumastos lang umano ang Philippine National Police (PNP) ng P86 milyon mula sa kanilang P700 milyong pondo para sa anti-communist program sa taong 2020.

Batay sa Commission on Audit (COA), nakatanggap ang PNP ng P722.9 milyon mula sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na pondo para sa 2020, pero P240.8 milyon ay pledged for payment.

“Records showed that P86,568,860.17 or 35.95% out of P240,802,722.97 obligated for CY 2020 was utilized for various procurements leaving a balance of P154,233,862.80 unpaid disbursements as of December 31, 2020,” sabi ng COA.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Partikular na tinukoy ang Police Regional Office 5 sa Bicol na nag-obligate umano ng P6 milyon para sa mga biniling `goods’ na walang kaukulang dokumento.

Imbes din na idaan sa public bidding, ang PNP ay gumamit umano ng paraan kung saan ang shopping ay kailangan na magsumite ng price quotation para sa “off-the-shelf goods”.

“Procurement of goods through shopping had no proof of posting of the request for quotation,” sabi ng COA. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.