Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP sisilipin bakuna for sale koneksiyon sa mga LGU

0 245

Kakalkalin ng Philippine National Police (PNP) kung may koneksiyon din sa mga local government unit ang suspek sa iligal na pagbebenta ng COVID-19 bakuna slot.

“`Yon ang aalamin natin actually kasi nga ito kasi kahit man sabihin niya `yan but as long as hindi naman `yon kanyang confession are considered as hearsay or just information for us to validate and look for pieces of evidence to corroborate or maging basehan natin,” pahayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar sa press conference sa Camp Crame kahapon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Matatandaang nitong Miyerkoles ay sumuko si Kyle Bonifacio matapos masangkot sa diumano’y vaccine slot for sale. Ang ama ni Bonifacio ang siyang nakipag-usap umano sa mga awtoridad upang sumuko ang kanyang anak.

Ayon pa kay Eleazar, kanilang titingnan lahat ng anggulo, kabilang ang tanong ng isang reporter kung dawit din ang ama ni Kyle na isang barangay kagawad umano sa Mandaluyong City. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.