Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP tinangging binasura Fabel rape-slay case

0 80

Itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Camilo Pancratius Cascolan nitong Lunes na dinismis ang mga kasong administratibo na inihain laban sa dalawang pulis na sangkot sa panghahalay at pagpatay sa 15-anyos na si Fabel Pineda sa Ilocos Sur.

Sa isang press briefing, sinabi ni Cascolan na mali ang impormasyong kumakalat sa social media na binasura ang mga kasong administratibo laban kina Police Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda.

“I would like to debunk another patently fake news circulating in social media on the supposed dismissal of admin cases against Police [Staff] Sergeant Randy Ramos and Police [Staff] Sergeant Marawi Torda both indicted in the murder of 15-year-old victim of sex crime in Ilocos Sur,” wika ni Cascolan.

Naresolba na aniya ng PNP Internal Affairs Service ang administrative case laban kina Ramos at Torda para sa “conduct unbecoming of a police officer in the penalty of dismissal from the service.”

Si Pineda ay pinatay matapos umano itong maghain ng reklamong acts of lasciviousness laban sa pulis na si Torda sa Ilocos Sur noong Hulyo.

Kinasuhan naman ng rape ng 18-anyos na pinsan ng biktima si Ramos.

Batay sa inisyal na impormasyon mula sa Cabugao Municipal Police Station, inaresto ang magpinsan dahil sa curfew violation at umano’y nilasing at pinagsamantalahan ng mga suspek na pulis. (Edwin Balasa/IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.