Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP tinutugis nagsinungaling sa contact tracing

0 124

Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang isa sa mga pasaherong kasabay umuwi galing United Arab Emirates (UAE) ng isang residente sa Quezon City na nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Rolando Cruz, hepe ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, natunton na nila ang 143 contact ng unang UK variant case sa bansa at walo sa mga ito ay residente rin ng Quezon City.

Kasalukuyan na aniyang naka-quarantine ang mga ito matapos na isalang uli sa swab test noong Biyernes.

SM food to go Banner Ad

Subalit may isa pang close contact passenger aniya ang hindi pa nila natutunton dahil mali ang inilagay nitong phone number at address sa contact tracing form.

Dahil dito, hiniling umano nila sa Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya para tulungan sila na mahanap ang naturang pasahero.

Samantala, inihayag naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na asymptomatic na ang unang UK variant patient subalit naka-quarantine pa rin ito.

“The patient is actually doing quite well, asymptomatic na po siya, wala na po siyang mga sintomas at hinihintay na lang po natin matapos ang kanyang antibiotics at madeklara ng ating mga doktor na he is well,” ayon kay Belmonte sa Laging Handa public briefing nitong Sabado.(Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.