Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP tsupi sa tokhang report – DOJ

0 199

Mabibigyan umano ng kopya ang Philippine National Police (PNP) ng inisyal na report ng pagsusuring isinagawa ng inter-agency panel hinggil sa 5,655 anti-illegal drug operation o tokhang sa bansa kung saan nakapagtala ng mga nasawi.

“The PNP requested to be given a copy of the initial report submitted to the president, so that it may be given the opportunity to comment,” sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Basahin: Pamilya Dacera walang tiwala sa PNP medico legal

Gayunman giniit ni Guevarra na hindi na mababago ang nilalaman ng ulat para mailagay ang komento ng PNP.

“The report will not be edited as it has already been submitted to the president, much earlier,” ayon sa kalihim.

Hunyo 30 noong nakaraang taon nang iulat ni Guevarra sa 44th Session ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na bumuo ng inter-agency panel para magsagawa ng “judicious review of the 5,655 anti-illegal drug operations where deaths occurred.”

Basahin: Duterte tiwala pa rin kay Magalong – Malacañang

Dagdag ni Guevarra, naibigay na ang parehong report kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Disyembre 29.

Naisapubliko na rin umano ang kopya ng report at buod ng nilalaman ng review ng inter-agency panel.

Sinabi pa ni Guevarra na ang naturang report ay partial pa lang, limitado sa ilang pilot area at nakapokus sa aktuwal na nangyari sa mga engkuwentro. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.