Abante Tonite Interactive

PNP tumangging magsagawa ng hearing sa kulungan ni De Lima

By
0 3,921

Tumanggi ang lide­rato ng Philippine National Police (PNP) sa hiling ni Senate Presi­dent Vicente “Tito” ­Sotto III na pagbigyan si Senador Leila de Lima na makapagsagawa ng hearing sa loob ng Custodial Center sa Kampo Crame.

Sa sulat kay Sotto, ipinaliwanag ni PNP chief, Director Gene­ral Oscar Albayalde na ang sinumang detenido ay sakop na ng hurisdiksyon ng Korte.

Nangangahulugan aniya ito na ang kahi­lingan ni Sotto ay isang usaping dapat resolbahin ng Korte.

“It is with regret that the PNP cannot appropriately act on the matter conside­ring Senator De Lima’s status as a detention pri­soner with restricted right to exercise profession and hold public ­office,” saad ni ­Albayalde sa kanyang sulat kay Sotto.

Ibinatay ni Albayalde ang kanyang kasagutan sa mga naunang desisyon ng Korte Suprema na may kinalaman sa kaso nina Senador ­Antonio “Sonny” Trillanes IV at dating Cong. Romeo Jalosjos.

“All prisoners whe­ther under preventive detention or serving final sentence cannot practice their profession nor engage in any business or occupation, or hold office, elective or appointive, while in detention. This is a necessary consequence of arrest and detention,” pahayag pa sa sulat.

Matatandaang sa pagdalaw ni Sotto kay De Lima sa Custodial Center sa Kampo Crame, tinalakay nila ang mga nakabinbin na panukala sa Senate committee on justice, welfare and development na pinamumunuan ni De Lima kaya’t nagdesisyon ang lider ng Senado na sumulat sa PNP chief.