Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP: Walang banta sa NCR

0 94

WALANG nakikitang anumang banta sa seguridad si Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar sa Metro Manila, kasunod ng nangyaring pag-aresto sa dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Taguig City.

Sa pahayag, sinabi ni Eleazar na inaalam nila sa dalawang suspek kung may mga kasabwat ito o nagpaplanong maghasik ng lagim.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa panig ng PNP, wala tayong nakikitang banta ng terorismo dito sa Metro Manila,” sinabi nito.

Nitong Martes ay nadakip ang Abu Sayyaf members na sina Taupik Galbun at Saik Galbun sa police operation sa Sitio Imelda, Upper Bicutan, Taguig City. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.