Abante Tonite Interactive

PNP walang planong buhayin ang Alsa Masa

By
86

Wala umanong plano ang Philippine National Police (PNP) na buhayin ang ‘Alsa Masa,’ isang grupo ng mga civilian informer noong 1980’s na lumaon ay naging grupo na ng mga vigilante.

Ang isyu ay nilinaw ni PNP Spokesperson, Chief Supt. Benigno ­Durana, matapos ang pahayag ni Calabarzon-PNP Regional Director Chief Supt. ­Edward Carranza na kinokonsidera umano ng PNP ang ekspansyon ng kanilang ­Community Mobilization Project (CMP) sa isang intelligence ­gathering network kahalintulad ng sa Alsa Masa.

“What Carranza meant was that the regional advisory council proposed the enhancement of community mobilization project which will gather stakeholders in the community, church, academe, business groups and all other to sit down and deliberate on pressing security and public issues,” pahayag ni Carranza sa isang press briefing kamakalawa sa Camp Crame.

Hindi rin umano polisiya ng PNP na buhayin ang Alsa Masa dahil sa hindi itinataguyod ng kapulisan ang ‘vigilantism’ sa pagresolba ng mga problema sa seguridad ng bansa.