Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PNP winasak Manila-Mindanao drug trade

0 301

Inanunsyo ng Philippine National Police (PNP) na nalansag na ang operasyon ng drug distribution sa Maynila at Mindanao matapos ang pagkakaaresto sa dalawang umano’y mga galamay nito kamakalawa ng gabi.

Nahuli sa isang mall sa Parañaque City ang mga suspek na sina Marlon Bayan, 32, taga-Camarines Norte at si Guimalodin Ebrahim, 27, ng Maguindanao. Nasamsam sa kanila ang nasa 8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P55,400,000.

SM food to go Banner Ad

“The arrested suspects are known to be regular carriers of Shabu from Manila to Mindanao and are part of a large group of drug traffickers composed mostly of natives from Mindanao based in Southern Metro Manila,” pahayag ng PNP kahapon.

Dagdag dito, sinagawa ang operasyon sa pamamagitan ng Case Operation Plan (Coplan) Bloodstone na sinimulan nitong Nobyembre. Target nito ang malalaking tulak ng iligal na droga na karamihan ay mula sa Mindanao at nakatira sa Southern Metro Manila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.